Sabi ng mga ilang kababaihan na nakilala ko, at nakasalamuha ko... Karapat-dapat lamang daw silang makatanggap ng pagpa-paubaya mula sa mga Lalaking katulad ko. Halimbawa na lang sa sakayan ng dyip, sa Velasques hanggang Divisoria. Kapag lalaki ang nauna sa upuan, at may babaeng sasakay pa, marapat lamang na tumayo at sumabit ka. Taliwas kung iisipin na ang mga lalake at babae, ay mayroong pantay na karapatan sa mundong ito.
Saan kami papanig?
Bigyan kayo ng mauupuan... O, magkaroon tayo ng pantay-pantay na karapatan?
Gago ka ba? Isa man sa dalawa ang piliin namin, lugi padin kami. Dahil may isa kaming susuwayin.