"Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong humihirap"
Sa totoo lang, hindi mo masasabing katotohanan ang kasabihan na yan. Nagiging totoo lang yan dahil sa Mind Set ng mga tao. Yung mga mahihirap iniisip nila na wala na silang magagawa kung hindi isisi sa mga mayayaman ang kahirapan nila. Kung hindi ba naman mga gago, ayaw na nila kumilos para umasenso. Ang gusto na lang nila ay tumama sa lotto kahit hindi sila tumataya. Na nagiging dahilan ng pag lobo ng populasyon ng mga tambay kaya wala talagang mangyayari. Nag tanong tanong kami sa halos karamihan ng tambay na kilala namin. Ang tanong namin, kung sakaling magiging presidente ka, ano ang kauna-unahan mong ipapatupad na batas? At ang majority answer, "Mag-karoon ng sweldo ang mga tambay, kasi kung mag kakarooon ng sweldo ang mga tambay, Edi wala nang mahirap." Buo pa ang loob sa pag sagot, sira nga lang ang labas. Ang mga mayayaman naman, hindi sila na kukuntento sa kung ano ang meron na sila. Kaya wala silang ginagawa kung hindi mag isip ng iba pang pagka-kakitaan. At isang halimbawa na dyan yung pabasa sa itaas. Hindi ko alam kung totoo yung nabasa ko sa isang libro. Pero alam mo ba na nag umpisa si Henry Sy sa pag titinda ng candy noong ikalawang digmaang pandaigdig? At nang medyo lumaki na ang puhunan, nag simula na siyang mag tinda ng sapatos. Hindi nya siguro inakala na makakapag patayo siya na madaming mall sa Buong mundo. Ito pa ang isang halimbawa si Tony Tan caktiong (Kilala mo? Kung hindi pindutin mo yung tandang pananong sa gilid nitong page) nag umpisa siya sa dalawang napaka simple na "ice cream parlor" Aakalain ba natin na itong dalawang "ice cream parlor" ay jollibee na ngayon?
Hindi hadlang ang kahirapan sa pag asenso! Wag kang gago.
Ang hindi lang namin maintindihan, panu ka ba yayaman sa paglangoy sa dagat ng basura?