Home

Sorry


"SORRY WE ARE OPEN"
Mabuti pa 'tong mga ganitong sign, marunong humingi ng sorry. Oo! "Sign" lang yan. Kung ikukumpara mo sa tao, mas maganda pa 'to. Gaano ba kataas ang pader nya, para hindi mo maiparating ang salitang "Sorry"? Sa totoo lang... Mga tunay na tao at matatalino lang ang kayang humingi ng "sorry". At marunong tumanggap sa pagkakamali nya, marunong makinig sa sinasabi ng ibang tao, tungkol sa kanya. Alam mo lang ang salitang "Sorry" kapag sinadya mong gawin ang isang bagay. 

Halimbawa : May dala kang mainit na tubig. Nakita mo syang nakaupo, kunyari natalisod ka, pero ang totoo sinadya mong tapunan sya ng mainit na tubig. Tapos sabay hirit ng "Ayy! Sorry! Hindi ko sadya."

Gago ka ba? Kung dyan mo lang alam gamitin ang salitang "Sorry", i-untog mo na lang  yung ulo mo sa pader.