Hanggang ngayon hinihintay pa ng ilang Kano ang paggunaw ng mundo batay sa prediksiyon ng isang religious leader. Inaasahan kasi ng mga miyembro ng isang sektang nakabase sa United States na mgugunaw ang mundo noong May 21, 2011 pero hindi ito naganap. Pero alam ba ninyong dumanas ng mahigit 10 beses na pagyanig o lindol ang ibat ibang panig ng Pilipinas noong May 21, 2011 hanggang kinabukasan ng araw na iyon? Pinakamalakas ang pagyanig sa Ilocano Regions - Ilocos Norte at sa bandang Isabela. Lumindol din sa Bisaya at Mindanao. Sakaling ang magkakasunod na lindol na ito ang nararanasan ng Pilipinas ay naganap sa United States. Walang duda! Magpa-panic ang mga tao rito at kahit pa walang pinsalang naganap, tiyak na marami ang maniniwala sa naturang
SEKTA PAKTIKULAR ang prediksiyon sa paggunaw ng mundo. Sa totoo lang hindi dapat balewalain ang paniniwala ng mga miyembro ng naturang sekta. Bagkus ay gamitin ito upang masuri ng tao ang kahulugan ng kanyang buhay. Isinasabay kasi sa mga ulat ng
ARMAGEDDON ang mga scientific report na serye ng mga pagtatangka ng mga scientist na makatuklas ng bagong
EARTH sa KALAWAKAN at kung susuriin,
MAGKAKAANGKOP ang dalawang klase ng mga ulat. Isang
PAGGUNAW at isang
PAGTAKAS tungo sa bagong
EARTH. At ang parehong eksenang ito ay halos pareho ring mahirap paniwalaan at pareho ring suntok sa buwan. Pinagtatawanan ang ulat na magugunaw ang mundo pero pinagtatawanan din ang pagtatangka ng mga eksperto na makatuklas ng "Bagong Mundo" sa ibang Milky way. Isang religious belief ang nag-ulat ng napipintong paggunaw ng mundo. Pero ano ang tawag ninyo sa mala-imposibleng pagtuklas ng bagong
EARTH sa Milky Way?
Sino ang baliw ?
Yung nagbubunsod ng paggunaw ng mundo na hindi gumastos o yung nagbubunsod ng paghanap ng bagong earth pero multi-bilyong dolyar ang inuubos?
Pareho lang imposible ang kanilang ibinabando sa balat ng lupa. Iyan mismong nilalaman ng sitas sa Eklesiastes:
"Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan - Ang lahat ay mauuwi sa abo"